Friday evening, i went home to Cainta, i feel so tired that time from my work. I arrived in my uncle's very late, nabasa pa ako... it was raining that time... hindi naman malakas ang ulan pero tuloy-tuloy lang ang pagbuhos nito.
Saturday morning, I woke up and nakita ko na may tubig na sa kalsada... hanggang tuhod ang baha but i'm not worrying about sa baha kasi normal lang yun sa place na yun... binabaha pa dati... and mga 7:50am I went out to play Ran Online sa computer shop kasi di na umuulan nun..
I started playing Ran Online at the computer shop sa second floor kaya libang na libang na ako at wala akong napapansin sa mga nangyayari sa labas... after 4 hours playing tinawag ang attention ko sa may first floor, i-turn off nalang daw lahat ng mga computers. wahhhhh!!!! I was shocked nung nakita ko sa first floor na pinasok na pala ng baha.. pag tingin ko sa labas, marami na palang lumalangoy kasi abot na sa dib-dib ang tubig baha. Pag tingin ko sa hiway, tumigil ang mga sasakyan at maraming tao ang naglalakad kasi syempre di na sila makasakay... sa oras na iyon (11:55am) yung hiway nalang ang di pa inaabutan ng tubig baha (Felix Ave).
I stayed at the computer shop na nakatayo lang for 3 hours, hinihintay ko na baka tumigil yung ulan at mawala yung baha... huhuhu! pero hindi!!. After 4 hours, nakarating na ang tubig baha sa hiway at kita ko na kahit may tubig sa hiway tuloy parin ang mga tao sa paglalakad... ang mga sasakyan ay naka-tigil parin... kapag nasa may hiway ka na, abot tuhod ang tubig...
Hanggang sa dumilim na, marami parin tao sa hiway, naghihintay ng bangka na mag-uuwi sakanila.. pero anu naman uuwian nila? lubog na ang mga bahay... ako nga di na ako umuwi kasi madilim na at baka may mangyari sakin kahit lumangoy pa ako.
Nang gabing nasa hiway ako, nakasilong sa waiting shed, basa at giniginaw at ako'y nakababad sa tubig... mayamaya may lumapit sa kinaroroonan ko na isang babae, basang-basa siya sa ulan at umiiyak... di ko man lang siya magawang kausapin kasi di ko alam kung anu sasabihin ko... hanggang sa may nag-yaya sakanya na pumasok sa jeep para dun magsilong kasi di pa abot ng tubig sa loob ng jeep... ako'y sumunod sakanila... at sa jeep na yun marami din nakatambay at nagpapahinga. Lumipas ang ilang minuto, nag-start na magshare sakin yung babaeng umiiyak kanina... habang kami'y naguusap... nag-start na siyang ngumiti at tumatawa na... at napansin ko na "wow" ang cute niya... at habang tumatakbo ang oras, tumatakbo na rin ang tibok ng puso ko sakanya...
10:56pm nasa jeep parin kami, mga 15 people ang nakasakay, masikip at lahat giniginaw. at ang tubig baha... pataas parin ng pataas hanggang sa umabot na sa upuan namin, sa passengers seat ng jeep... kaya nag-dicide ang lahat na umalis sa jeep at lumipat sa ibang mas mataas na lugar. Pag-labas namin sa jeep, hanggang dib-dib na ang tubig sa may hiway at ang babaeng kasama ko, naka-kapit sakin (wow, sana may baha ulit). At yun naglakad kami papunta sa barangay hall at dun na kami hanggang umaga.
Sa barangay hall (Cainta), pag pasok namin sobrang dami ng tao na nakaupo sa mga steps, yung iba naka-higa lang. Buti nalang at mataas ang baranggay hall at may apat itong palapag at dun kami sa pinaka taas (roof top). Sa sobrang dami ng tao, wala kaming mahigaan, kaya ang pwede lang ay nakaupong matulog.. pero.. parang may kulang... may hinahanap ako... yung babaeng kasama ko biglang nawala, sabi ng iba may binalikan daw siya sa unang palapag. Di ako mapakali dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya... hanggang sa magkita kami ulit, ayun, masaya na ulit ako.
2:00am nang tumahimik na ang ulan at natahimik na rin ang mga tao roon, tumabi ako sa babaeng nakilala ko at nakaupong nakikipag kwentuhan hanggang sa makatulog ako na nakaupo at nakasandal sa wall habang siya ay natulog na sa sahig. Ang hindi ko makakalimutan na pangyayari ay habang nakakatulog na ako, di ko napapansin na napapautot ako... at sobrang nakakahiya kasi daming tao tapos ang lakas pa ng utot ko... tuwing nakakatulog na ako, di ko talaga mamalayan na napapautot ako ng kalakas-lakas... maraming nakapansin nun pero syempre tahimik lang sila... 3X yun nangyari sakin... katabi ko pa naman dun yung nakilala kong babae, yung ulo nya malapit sa pwetan ko kasi nga nakahiga sya... bangungot yun sakin... hindi yung baha ang bangungot pero yung utot ang sobrang papatay sa akin.
Umaga na, gising na ang lahat, ang tubig ay mataas parin at wala paring pagbabago. Pero ang babaeng nakilala ko... nagbago na... iiwas iwas sya sakin... at iniwan nya na din ako. Sayang di ko siya nakilala ng mas matagal at di ko pa natanung ang name nya... syang!!